
Summary
Love, forgiveness, and second chances.
YESTERDAY I
“You don't need to do this, Harold!”
Isang malakas na sigaw mula sa ibabang bahagi ng bahay namin ang nagpabalikwas sa akin para bumangon mula sa hinihigaan kong kama.
Papungas-pungas, bumangon ako't umupo sa, half of me's still asleep. My back straightened nang narinig kong sumigaw ulit si Mommy.
“You’ll leave?! How about our children?! Si Charity, she’s only ten years old. Matitiis mo ba na lumaki ang anak natin na walang ama?” tanong ni mommy, matapos ay narinig ko ang sunod-sunod niyang paghikbi.
“I’m sorry, Gie. It’s just that I can’t stand being with you anymore. ‘Wag kang mag-alala, magpapadala pa rin naman ako ng sustento para sa mga anak ko,” boses naman ni Dad ang narinig ko.
Hindi na ako nakatiis, dali-dali akong bumaba at kung maari man sumabog ang puso’t madurog sa maraming piraso, ganoon siguro ang mararamdaman ko.
Nakaluhod si Mommy sa paanan ni Daddy. Yakap niya ang kaliwang paa nito habang nakatiim naman ang bagang ng huli.
“Please, Harold. Stay.” Mom said in a cracked voice.
And as her voice cracks, so are my hopes for a complete family.
“Stop it, tirhan mo naman ng kaunting respeto ang sarili mo.” Mariin na sabi ni Dad.
“If you can’t understand what I am trying to impose, then here it is,” he heaved a sigh before talking once again, “I. Don’t. Want. You. Anymore,” Dad said, giving emphasis to every word he’s saying.
‘Di na ako nakapag-tiis, mabilis akong umamba pababa ng hagdan pero kasabay no'n ay ang pagdating ng kuya ko.
“Ma, kung gusto nang umalis ni Papa, ‘wag mo na siyang pigilan,” bigla-bigla nitong sinabi habang nakatingin kay Mommy sa malamig nitong ekspresyon.
“Eh, tutal ‘yan naman ang gusto niyang gawin noon pa, hindi ba, Pa?” bumaling naman ito kay Daddy, “Kating-kati ka na nga na umalis at nakalimutan mong may pamilya kang maiiwan dito.”
“Hindi kita pinalaking ganyan, Hector!” kasabay no'n ay ang pag-alingawngaw ng isang malutong na lagapak sa kanang pisngi ni Kuya Hector.
“News flash, Dad. Hindi naman talaga ikaw ang nagpalaki sa ‘kin,” saad niya habang may nanunuyang ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi.
“Lumayas ka na, Harold. Now.” Ani Mommy sa mahina ngunit mariin na boses.
“Papayag ako na saktan mo ako, pero ‘wag ang mga anak ko. Layas.”
Dire-diretso na si Dad sa paglabas ng bahay pero sumigaw ako, “Dad!”
Nagulat silang tatlo’t lumingon sa gawi ko. Sa sobrang pagkadala ko pala sa sitwasyo’y hindi ko namalayan ang mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak mula sa mga mata ko. Nakita kong lumingon si Dad sa kinaroroonan ko, he just smiled sadly and walked out of the house.
Together with Dad walking out of the door, is a chapter of my life closing. As he closed the door, my idea of a complete and perfect family all gone and vanished from my inmost being.
A tap on my shoulder brought me back to reality.
“Kapag umiyak ka ba, babalik siya?” as I looked at her tear-stained face, I saw pain, sadness and agony.
Niyakap ko siya nang mahigpit.
“I’m still here, Charity. Mommy will never leave your side, promise.”
I hugged her while shedding tears silently.
“Mom, bakit umalis si Dad?” tanong ko sa kanya.
“He has his reasons, dear.”
“I don’t understand.”
“Someday… ipapaliwanag ko sa ’yo ang lahat sa tamang panahon. For now, continue to live. Continue to smile and be my inspiration to fight. I love you.”
“Babalik pa po ba si Dad?”
“I don’t know anak. Maybe, or maybe not,” kinulong ni Mommy ang mukha ko sa dalawang palad niya, “We have each other, isn’t that enough for you?” she looked at me straight to the eyes with a smile plastered on her face.
“I love you, ‘My.”
“I love you, anak.”
Ramdam ko ang mainit na sinag ng araw na tumatama sa pisngi ko... 'yong panaginip na naman na 'yon.
It’s been years nang iwan kami ni Dad pero I am still being haunted by the ghosts of the past, still trapped, still can’t move on from what happened years ago. Labindalawang taon nang walang balita kung nasaan siya.
Aaminin ko, nagalit ako sa kanya. Iniwan niya kami, e. Kahit sabihin pa niyang may mabigat na rason siya, hindi pa rin 'yon sapat. Iniwan niya kaming naghihirap, ultimo kakainin na lang namin sa isang araw ay sobrang poproblemahin pa namin.
Oo, matagal nang nangyari ang lahat. Pero para sa akin, parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Kasabay ng pagsandal at pagpikit ko ay ang pagbaha ng mga alaalang ayaw ko na sanang balikan pa.
Matapos ng pag-alis ni Daddy ay ang pagka-depress ni Mommy. Madalas ko siyang naabutan sa kwarto niya, tulala at wala sa sarili. Paminsa’y naririnig ko siya na sinisisi ang sarili kung bakit umalis si Dad.
Hindi kinaya ni Mommy ang matinding depresyon kaya si Kuya Hector na ang tumayong magulang sa pamilya namin. Siya ang nagtrabaho nang nagtrabaho para makapag-aral ako ng kolehiyo’t makapagtapos.
Pero gaya ng lahat ng bagay sa mundo, hindi naging permanente ang pagtulong ni Kuya. Pagkatapos na pagkatapos ng graduation ko’y ipina0theraphy niya si Mommy sa isang psychiatrist at doon hinayaang gumaling. Kasabay ng pag-alis ni Mom ay ang pagkawala rin ni Kuya. Iniwan nila akong mag-isa. Umalis na sa bahay namin si Kuya dahil daw tapos na niya ang obligasyon niya sa akin, napagtapos niya na ako ng pag-aaral.
Funny, right? Aalis siya kung kalian walang-wala na ako.
Pag-alis niya, natuto akong mamuhay nang mag-isa. Waking up in the morning with the urge to go back to sleep and laze the whole day. Ininda ko ang sakit, literal na zombie ako noon. Patay na buhay, naglalakad na bangkay. I’m like a jar with nothing inside.
Dumating pa nga ako sa point ng buhay ko kung saan pakiramdam ko’y wala ng silbi ang lahat ng ginagawa ko, maybe I was trying too hard. Pero nagbago ang lahat nang bumalik si Mommy.
Nakauwi na siya dahil psychologically stable na siya. Wala na raw sa Mommy ko ang ginawa noon ni Daddy. Kung kay Mommy ay wala na ‘yong kaso, sa akin, mayro'n pa.
Nabawasan ang paghihirap ko sa buhay dahil kay Mommy, dalawa na kaming lumalaban ngayon para sa buhay.
Until such time, naging maayos ang buhay namin. Maayos, financially, Pero ako, I am far from being okay. Sa dinami-rami ng pinagdaanan ko, natuto na ako. Making a mistake once is okay and has a chance to be forgiven but once you do it again, it’s foolishness already.
Kaya I surrounded myself with an invisible wall to prevent people coming near me.
The less you expect, the less you get hurt. The less people you entertain in your life, the less pain you’ll experience.
I felt a familiar warm feeling travelling from my eyes down to my cheeks.
Agad kong pinunasan ang mga luha na nakatakas mula sa mga mata ko.
I guess it’s another day for me. Another day of isolating myself from everyone fearing they will just leave me and hurt me like what everyone did to me.
I smiled bitterly, May naka-turong arrow ba sa puso ko at may label na “Tear Here”?
Today is another day to put my defenses up high again. Para kasing lahat ng bagay sa mundo ay ginawa para saktan ako.
Brick by boring brick, I’ll build a wall of security for me. Because this is me, this is Charity. The girl who gets left behind, always.
