HinovelDownload the book in the application

Chapter 3

3

“PARA kang clown.” Hindi napigilang sabihin ni Guinevere sa reflection niya sa salamin. Nasa comfort room na siya noon. Paanong hindi niya sasabihin iyon gayong nakapaskil na yata sa mga labi niya ang ngiti. Hindi niya kailanman inisip na ganoon ang mangyayari sa sandaling magkakilala na sila ni Charlie. Kahit paano ay alam niyang naa-attract sa kanya ang binata. Nagpapakita ito ng interes sa kanya. And she could also sense the spark and the chemistry between them. Pakiramdam tuloy niya ay napakahaba ng kanyang buhok.

Kinalma ni Guinevere ang sarili bago lumabas ng comfort room. Bumalik siya sa canteen. Charlie was still at the counter. Kinawayan siya ng binata. Sumenyas siya na mauuna nang umupo sa mesa at doon na lang ito hihintayin. Tumango ang binata. Papunta na siya sa upuan nang maalalang kunin na rito ang backpack niya. Lumapit siya sa binata at kinuha iyon. Hindi naman na ito nakipag-argumento.

Pumili na si Guinevere ng mesa at naupo roon. She eased her backpack. Nang makaupo ay muli niyang ibinalik ang paningin sa canteen. Si Charlie na ang nakikipagtransaksiyon sa tindera. At hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang mga matang nakapako sa direksiyon ng binata. Nakikilala kaya ng mga ito ang binata? Kunsabagay, kahit naman hindi makilala ay siguradong pag-uukulan pa rin ito ng pansin nino man dahil hindi maitatangging guwapo ito. Halatang mayaman ito kahit napakasimple ng kasuotan. At trademark na yata ng binata ang maaliwalas at nakangiting mukha. Kagalang-galang itong tingnan pero hindi naman nakaka-intimidate ang aura. Naisip niya, paano kaya magalit ang isang Charlie Valencia?

Nakita ni Guinevere nang magbigay si Charlie ng pera sa tindera pagkatapos ay itinuro nito ang ilang pasahero. Most of them were old and obviously poor. Nakuha agad niya na pinabibigyan ni Charlie ang mga iyon ng pagkain. Ilang sandali pa ay binuhat na nito ang tray na kinalalagyan ng pagkain nila at tinalunton ang kinaroroonan niya.

Inilagay nito sa harap niya ang isang cup noodles, sandwich, at isang bottled water. Ganoon din ang inilagay nito sa harap nito. Napansin niya na may mga nilagang itlog din. Kinuha iyon ng binata at binalatan. Pagkatapos ay inihulog sa cup noodles niya.

“Masarap ang noodles kapag may itlog.” Nilagyan din nito ng itlog ang pagkain nito. She just secretly watched him. Nakakailang ang pagiging attentive nito pero nakakataba rin naman ng puso. Hindi talaga ito maselan. Who would have thought na ang isang kilalang chef ay nakokontento sa cup noodles at itlog?

“Kain na tayo, Gwen.”

“Sige. Thank you.”

Kumain na sila. Si Charlie ay nagkukuwento ng mga nakakatuwang anecdotes ng buhay nito, maging ng mga pinsan. At wala siyang ibang ginawa kundi ang tumawa nang tumawa. “See this earring?” Itinuro nito ang hikaw. Tumango siya. “Ito ang consequences sa pagkatalo ko sa karera kay Cedrick,” dagdag pa nito. “Actually, ang pustahan talaga namin ay `yong bilog na earring dapat. What do you call it? `Yong parang hawakan sa LRT?”

Hindi na nakasagot si Guinevere. Natawa na lang siya nang malakas dahil sa ginamit nitong halimbawa.

“GWEN…” Ang nakapatong na kamay ni Charlie sa ibabaw ng mesa ay naglakbay papunta sa gitna ng mesa.

Napalunok si Guinevere. Tila imbitasyon ang palad nito at pumupuno sa dibdib niya ang kagustuhang ipatong doon ang kanyang kamay at tanggapin ang imbitasyong iyon. Whatever it was. Binitiwan niya ang hawak na kutsara at ipinatong ang kamay niya sa ibabaw ng kandungan niya. Charlie’s eyes were dark. Nakakapanindig-balahibo ang emosyong nakasungaw roon. May mensaheng ipinaaabot ang mga mata nito.

“Gwen…” muling usal nito.

Her hands became restless. Hanggang sa hindi na mapigilan ni Guinevere ang kanyang sarili. Ipinatong niya ang kamay sa palad nito. Charlie’s smile was triumphant and sexy. Isinara nito ang nakabukas na palad at marahang pinisil ang kamay niya. Napaungol siya. The way Charlie held and squeezed her hand was a little bit erotic. And arousing. Idagdag pa ang mga mata nito na animo may kakaibang kapangyarihan para pasunurin siya. Heat unfurled in the pit of her stomach. Tila biglang nanuyo ang kanyang lalamunan at kailangan niya ng tubig para pawiin ang uhaw na iyon. Tubig? No. Hindi tubig ang kailangan niya. Napatingin siya sa mga labi ng binata. A slight smile lifted the corners of his sensual mouth. Right then and there, alam niyang iyon ang kailangan niya para pawiin ang uhaw na nararamdaman.

“Gusto mo bang hagkan kita, Guinevere?”

Napasinghap siya. Paano nito nalaman ang laman ng isip niya?

“You have the look.” Muli ay pagbasa ni Charlie sa iniisip niya. “Ipinapakita ng mga mata mo kung ano ang iniisip mo. Ngayon sagutin mo ang tanong ko; gusto mo bang hagkan kita?” mababa at nang-aakit ang boses ni Charlie.

“Yes, yes. Please. Kiss me,” she begged. “Kiss me, Charlie.”

Ngumiti si Charlie nang mapang-akit. Lalong naging brusko ang binata sa ngiting iyon. His boy-next-door look was totally gone. Nag-transform ito sa pagiging isang alpha sexy male who knew his game. And he was playing his game very well. “Ako, Guinevere, hindi mo ba mabasa kung ano ang iniisip ko?” Muli ay pinisil ng binata ang palad niya. “Try to read me, love.”

Love. Lalong sinindihan ng salitang iyon ang emosyon ni Guinevere. She squeezed his hand back. Her fingers dueled with his fingers. Charlie gasped at the way she responded to his seduction. Ngumiti siya at sinubukang basahin ang laman ng isip ng binata sa pamamagitan ng mga mata nito. Nahigit niya ang hininga sa nababasa roon. Tila biglang nanlambot ang mga tuhod niya. Her blood suddenly boiled to fever pitch. “Y-you want me…” aniya. At alam niyang iyon din ang gusto niya. She wanted him, body and soul.

“Greedily,” sambot nito bago tumayo. He bent over and cupped her face with his hands. “I’ll show you how much,” anito bago inangkin nang buo ang kanyang mga labi.

“GWEN…”

“Hmm…” ungol ni Guinevere. Lunod na lunod na siya sa halik ng binata. His kisses were possessive, demanding, insistent. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. And yet she wanted more. So much more it almost hurt.

“Gwen…” muling usal ng binata. Dumampi ang kamay nito sa pisngi niya at bahagyang humaplos doon. “Guinevere, gising na…” anang malamyos na tinig nito.

Gising na? She was still under his spell. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. And there, sumalubong sa paningin niya ang nakangiting mukha ni Charlie. She blinked twice… thrice. Hanggang sa mag-init na lang ang buong mukha niya nang ma-realize kung ano ang nangyari.

Nakatulugan na niya si Charlie. At napanaginipan niya ang binata!

Ang kotse nga pala ang dahilan kung bakit sumakay sa Ro-Ro si Charlie. Ayon sa binata ay isasabay na siya nito at iyon nga ang nangyari. Niyaya siya nitong mananghalian sa isang restaurant sa highway pero tumanggi na siya. Hindi naging kainip-inip sa kanya ang biyahe dahil inabala niya ang sarili sa pagtingin-tingin sa kapaligiran. Hanggang sa hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya.

“Oh, my God!” nanlalaki ang mga matang bulalas ni Guinevere. “Tinulugan kita!” Charlie was a mind reader in her dream. Sana ay hindi iyon totoo nang sa gayon ay hindi nito mabasa ang tumatakbo sa isip niya sa oras na iyon. The kiss was so passionate it will surely haunt her. Sa katunayan ay tila totoong-totoo iyon. Hindi iyon ang unang pagkakataon na napanaginipan niya ang binata pero iyon ang unang pagkakataon na nanaginip siya ng ganoon katindi.

“Yeah. Gusto ko ngang ma-offend. Ikaw pa lang ang babaeng tinulugan ako.”

Nakagat ni Guinevere ang kanyang labi. Bagaman nagbibiro ang himig ng binata ay hindi niya maiwasang makonsiyensiya. “I’m sorry. Actually, puyat kasi ako. I barely caught some sleep last night,” aniya. At iyon ay dahil sa `yo, sa excitement ko na sana ay makilala na kita…

Umayos ng upo si Guinevere. Sa gulat niya ay bahagya na palang nakahilig ang upuan niya. Walang duda na ini-adjust ni Charlie ang upuan nang sa gayon ay maging kumportable ang tulog niya. Yeah, right. Naging kumportable nga siya, hayun, ang resulta ay nanaginip siya. Pinagpantasyahan niya ang binata sa isang mainit na eksena.

Hinamig niya ang sarili. “P-pasensiya ka na kung tinulugan kita, Charlie. I—”

“Hey,” natatawang putol nito. “Binibiro lang naman kita. No harm done. It’s all right, really. Besides, binigyan mo pa nga ako ng pabor sa pagtulog mo.”

“Pabor?”

His smile became lazy. “Nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ka nang hindi patago. To tell you frankly, kahit dito na tayo abutan ng gabi ay ayos lang sa akin. Kaya lang nakakailang tawag na si Ate Febe, gisingin na raw kita.”

Alam ni Guinevere na namumula ang kanyang mukha. Tinitigan siya ng binata? Sana lang ay hindi siya nagsalita, o umungol sa pagtulog. Kung hindi ay siguradong nabuking siya.

Tumingin siya sa labas ng bintana. It was a familiar sight. Nasa bukana na pala sila ng hacienda. Alam niyang hanggang doon na lang ang sasakyan at mula roon ay kabayo na ang gagamitin para makarating sa villa. Alam ni Febe na mahusay siyang magpatakbo ng kabayo at nananalangin si Guinevere na sana lang ay may nakalaang kabayo para sa kanya. Pagkatapos kasi ng panaginip niya ay hindi yata makabubuti kung iaangkas siya ng binata sa kabayo nito. Kapag nangyari iyon ay siguradong magkakadikit ang kanilang mga katawan. Siguradong sa harap siya ipupuwesto ni Charlie at hindi siya sigurado kung mapaglalabanan niya ang tukso na isandal ang kanyang likod sa dibdib nito.

“Gwen…?”

Oh, crap! Ngayon naman ay naglalakbay ang isip niya.

“Okay ka na? Shall we?”

“Yeah, yeah.” Hinawakan ni Guinevere ang hawakan ng pinto pero pinigilan siya ng binata.

“Wait here.” Agad nakababa si Charlie ng sasakyan at lumigid sa gawi niya. Muling nag-init ang kanyang mga pisngi nang mapagtanto kung ano ang gagawin ng binata. He was going to open the door for her. Katulad ng ginawa nitong pagbubukas niyon para sa kanya nang pasakayin siya kanina. “There.” Inilahad nito ang kamay para alalayan siyang bumaba. Awtomatiko niyang tinanggap iyon. Bumaba siya ng kotse.

“Welcome to Hacienda Catalina, Guinevere. I hope you enjoy your stay here.” Then all of a sudden, pinisil ng binata ang palad niya. Agad niyang kinagat ang ibabang labi para mapigilan ang pagsinghap. Pumasok na naman kasi sa isip niya ang kanyang panaginip. Kunwa ay hindi na lang niya iyon pinansin.

“Thank you.” Disimuladong binawi ni Guinevere ang kamay. At nakahinga siya nang maluwag nang makita na dalawang kabayo ang ngayon ay inilalapit sa kanila ng isang guwardiya.

ILANG minuto lang at nasa bukana na ng grand villa sina Charlie at Guinevere. Nakita ni Guinevere sina Angela, Febe, Brandon, at Marko sa veranda na marahil ay inaantabayanan ang pagdating nila. Kumaway ang mga ito sa kanya. Gumanti rin siya ng kaway at ngiti.

Naunang makababa si Charlie ng kabayo nito. Bahagyang tinapik ng binata ang pisngi ng kabayo bago malalaki ang hakbang na tinungo ang kinaroroonan niya.

“Let me help you,” anito nang maabutan siyang bumababa ng kabayo.

Bago pa makasagot si Guinevere ay nasa magkabilang baywang na niya ang mga palad nito at buong lakas na iniangat siya mula sa kabayo. Para hindi siya ma-out of balance ay awtomatikong ipinatong niya ang magkabilang kamay sa mga balikat nito para kumuha roon ng suporta. By doing so, napalapit sa mukha nito ang punong-dibdib niya. Naramdaman niya ang tila pagsamyo ng binata sa katawan niya. Imahinasyon lang ba niya iyon? But goodness, he smelled her for so long it was as if he was filling his lungs with her scent. Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga balikat ng binata. Tension seized her body. Nakatayo na siya sa mga paa niya pero hindi pa inaalis ni Charlie ang mga kamay nito sa magkabila niyang baywang. At magkaharap pa rin sila na halos ilang dangkal lamang ang layo ng kanilang mga katawan sa isa’t isa. Charlie looked as if he was in a trance. Nakatitig lamang ito sa kanya.

Sa sulok ng mga mata ni Guinevere ay nakita niya ang mga pinsan ni Charlie na nag-aabang sa kanila. Namula ang buong mukha niya. Sigurado siyang nakita ng mga ito ang moment na iyon sa pagitan nila ni Charlie.

Agad siyang nakalayo sa binata. “Thank you.”

Tumango ito. Kung siya ay namumula ang mukha, ito ay tila walang pakialam kung nakita man ng mga pinsan nito ang pangyayaring iyon. Sa gulat pa niya ay nakuha nitong alalayan siya sa lower back niya at iginiya papunta sa villa.

“C-Charlie...” naiilang niyang wika. Ang kamay nito sa lower back niya ay nagpapawala sa kanya sa katinuan. The heat from his palm was surging through her body. Ano na lang ang sasabihin ng Ate Febe niya at ng mga pinsan nito?

Sinulyapan lang siya ni Charlie, at nginitian! Halos matisod si Guinevere dahil sa ngiting iyon. Why, it was a sexy, devilish grin.

“Gwen, welcome again to our haven. It’s so good to see you again,” ani Angela. Makahulugan ang ngiti nito, ganoon din ang mga mata. Sa katunayan ay hindi lamang si Angela ang may ganoong tingin at ngiti kundi lahat ng nasa harap niya.

Isa-isa siyang niyakap at hinagkan sa pisngi ng mga ito.

“It’s unfair,” wika ni Charlie.

Kunot-noong napatingin ang lahat sa binata.

“Unfair…” muling bulong nito. Lahat sila ay naguluhan doon. Mayamaya ay natawa sina Brandon at Marko. Hanggang sa ang tawa ng mga ito ay nauwi sa mataginting na halakhak.

“Hello? Ano’ng meron, guys? Care to share?” ani Febe.

Tumikhim si Brandon. “Well, I think, Charlie said it was ‘unfair’ because he didn’t get any hug or kiss from Gwen earlier.”

Sabay-sabay na napa-“ohh!” ang mga ito. Lalong namula ang mukha ni Guinevere dahil doon. Iniwasan niyang sulyapan si Charlie dahil baka kung ano pa ang mabasa niya sa ekspresyon nito.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free