HinovelDownload the book in the application

CHAPTER THREE

CHAPTER THREE

NAPASINGHAP si Riza. Bago pa siya tuluyang magmulat ng mga mata ay ramdam na niya ang mainit na mga labi na sumasakop sa kanyang mga labi at nagbibigay ng hangin sa kanyang baga. She gasped for air again. Nagmulat siya ng mga mata subalit agad ding pumikit dahil sa tama ng sinag ng araw. On instinct, tumagilid siya at inilabas ang lahat ng tubig na kanyang nainom. Then a hand softly caressed her back.

“You’re safe now, sweetheart…” sabi ng baritonong tinig. Nagsalita ito sa wikang Ingles pero hindi maipagkakaila ang accent niyon. She could not pinpoint what particular accent it was but it sounded foreign to her.

Sweetheart. Rumehistro sa isip ni Riza ang endearment. Mabilis siyang umupo at nilinga ito. What she saw took her breath away.

Oh, my God! Dinadaya lang ba siya ng kanyang paningin o baka naman walang nagligtas sa kanya at patay na talaga siya. Why, she was seeing Marc Marquez!

Ipinikit-pikit ni Riza ang mga mata para makasiguro. Pero hindi nawawala sa kanyang paningin si Marc. It can’t be. It can’t be. Dinadaya lang siya ng kanyang paningin.

Itinaas ni Riza ang kanyang kamay at nanginginig na hinawakan ang mukha ng binata. Inaasahan niya na tatagos lang ang kanyang kamay sa mukhang iyon, subalit sa kanyang panggigilalas ay tumama iyon sa pisngi ni Marc. “Oh, God!” she cried.

“I’m real,” ani Marc, amusement was evident in his eyes.

Dali-daling binawi ni Riza ang kamay. Her heart was racing. Her blood was pounding in her ears. Adrenaline pumped through her veins. Kulang pa yata ang salitang “shock” para ipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Nasa harap niya si Marc. Iniligtas siya ng binata sa tiyak na kapahamakan.

“Hey, are you okay?” tanong ni Marc, bahagya pang iwinagayway ang kamay sa kanyang mukha. Marahil ay talagang tulala na siya.

“B-buhay ako.” Iyon agad ang naisip niya na palusot para maitago ang pagkabigla. “H-hindi ako nalunod? Buhay ako…”

“Yes, you’re alive,” nakangiting wika ng binata.

Si Marc, o, Riza, ang iyong kasintahan. Ipaalam mo na sa kanya na may nobya na pala siya, nakangising tudyo ng kanyang isip. Bago pa siya makapag-isip ay agad na niyang nadamba ang binata para yakapin. Jeez, Riza, ano ba’ng ginagawa mo?! kastigo niya sa sarili.

Nabigla si Marc sa kanyang ginawa. Subalit agad din namang nakabawi ang binata. Hanggang sa maramdaman na ni Riza ang paghaplos ng binata sa kanyang likod.

“You’re trembling. Don’t worry, you’re safe now,” anang malamyos na tinig ni Marc.

Marc… Narito ka nga… Panaginip lang ba `to?

Nang ma-realize ni Riza na tumatagal na yata ang kanyang pagkakayakap dito ay kumalas na siya. Damn, nadadala siya ng kanyang emosyon.

“A-ah…” So what should she do now? Dapat ba niyang ipaalam na kilala niya ang binata at umamin na isa siya sa hindi mabilang na tagahanga nito o aakto na lang siya na hindi ito kilala? Subalit bago pa man niya mahagilap ang kanyang tinig ay tumutok na muli ang kanyang mga mata sa mukha ng binata.

Ah, she had never seen such lovely and seductive eyes. Deep brown ang mga iyon na sa tingin niya ay may karakter at may pagkamisteryoso. Kumikinang kapag ngumingiti ang binata ngunit hindi maipagkakaila na iyon ang klase ng mga mata na animo ay may kapangyarihang manghipnotismo at magpasunod sa ano mang naisin nito. His eyes were like bedroom eyes for they were so sensual. Binagayan pa iyon ng makakapal na kilay. His cheekbones were perfectly formed. Matangos din ang ilong.

Nakangiti si Marc na nagpapakita ng mapuputing ngipin. Oh, his set of teeth was not perfect. He’s teeth were a bit uneven. But damn, that imperfection just made his face look perfect. Higit sa lahat, mas irresistible ang ngiti ng binata sa personal. It was infectious.

Dapat ay pamilyar na si Riza sa mga katangiang iyon dahil hindi na mabilang kung ilang beses niyang tinitingnan ang mga litrato ng binata. Pero iba pala talaga kapag personal. The aura was undeniable. It was all around him.

“Mas guwapo ka pala sa personal,” hindi mapigilang usal niya. Pakiramdam niya ay biglang nawala sa kinalalagyan ang kanyang puso. Kapag sa telebisyon ay parang boy-next-door type ang binata. Pero iba pala sa personal. Hindi niya maipaliwanag pero tila may mga bagay na hindi kayang isalarawan ng TV screen. Para bang hindi na-justify ng mga litratong iyon ang tunay na Marc Marquez.

His smile grew wide. “Narinig ko `yon. Salamat.”

Nanlaki ang mga mata ni Riza, sabay takip sa bibig. She realized that she had just embarrassed herself—again. Ramdam niya ang pagragasa ng dugo sa kanyang leeg, paakyat sa kanyang mga pisngi. Pupusta siya na pulang-pula na siya.

At tila mas nanunukso pa ang pagkakangiti ni Marc. Bahagya pa ngang nakataas ang isang kilay at ang sulok ng mga labi.

“Eh… eh…” hindi magkandatutong usal ni Riza. “Oh, my God!” she cried and then she buried her face in her hands.

Narinig ni Riza ang pagtawa ng binata. Damn! Ipinahiya talaga niya ang sarili. Base sa mga interview ni Marc, alam naman niya na nakakaintindi at nakakapagsalita pa rin ng Tagalog ang binata. Bagaman napansin niya kanina na nang magsalita ito ng English o Tagalog ay hindi maipagkakaila ang accent sa boses nito.

HINDI napigilan ni Marc ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi. This particular lady amazed him. “So, kilala mo ako?” Marc asked the obvious question. Nang makita siya ng babae ay kumislap agad sa rekognisyon ang mga mata nito. By then, alam agad ni Marc na fan niya ang babae. But she amused him when she touched his face, stared at him, and hugged him. Tila isa siyang Greek god sa Mount Olympus at sinisiguro ng babae kung tunay nga bang bumaba siya sa lupa. Hindi lang naman ito ang fan na gumawa sa kanya ng ganoon kaya lang ay may kakaiba sa babae na nagpapasaya sa kanyang puso.

“O-oo,” sagot ng babae. Nananatiling nakatakip ang mga palad sa mukha.

Marc chuckled. “Bakit ayaw mo akong tingnan? Don’t worry, marami naman ang nagsabi sa akin na mas guwapo nga raw ako sa personal.”

Nag-angat ng mukha ang babae.

Damn! She’s blushing and she looks so beautiful.

“Hmm…w-welcome back, Marc,” she said in a low, throaty, and so damn sexy voice.

Muntik nang kumawala ang ungol sa kanyang lalamunan dahil doon. It felt as if her voice filled the air and vibrated in his soul. Hindi lang ang boses ang sexy kundi maging ang katawan ng babae na humahapit sa basa nitong kasuotan.

Nang buksan ng babae ang mga mata at titigan siya kanina, nakita ni Marc ang pinakamagandang pares ng mga mata. Bilugan ang mga iyon na binagayan ng mahahabang pilik-mata. Her eyes looked so innocent and she seemed very transparent. Madaling basahin ang kung ano man ang iniisip nito sa pamamagitan ng mga matang iyon.

And good Lord, this lady heightened his senses. Nang buhatin ni Marc ang babae at dalhin sa pampang ay napansin na agad niya na maganda ito. Iwinaksi niya sa isip ang bagay na iyon kanina at nag-focus sa pagbibigay rito ng mouth-to-mouth resuscitation. But then again, nang madama niya ang lambot at tamis ng mga labi ng babae ay ninais niyang totohanin at laliman ang paghalik.

Umungol si Marc. Ang isiping iyon ay nagdadala ng kakaibang init sa kanyang katawan. His blood was rushing through every vein. For a man who had already had his fair share of women, he already had an idea of what was happening to him. Alam agad niya na attracted siya sa babae. At malakas ang atraksiyong iyon dahil pakiramdam niya, anumang sandali ay sasakupin niyon ang kanyang buong sistema.

Dapat siyang magbunyi dahil hindi one-sided ang atraksiyong iyon. This beautiful girl was attracted to him, too. Nababanaag niya iyon sa mga mata nito kahit pilit na sinusupil ng babae ang sarili. Sadly, tila hindi ito ang klase ng babae na willing laruin ang laro niya.

“So, kilala mo ako?” Marc gave her his most charming smile. Bigla-bigla ay gustong magpa-impress sa babae at siguruhing nasa ayos ang lahat. Tinatanong niya ang babae nang ganoon dahil naiintindihan niya na kahit sikat siya ay hindi pa naman siya matatawag na household name sa Pilipinas.

Kompara kasi sa basketball, hindi pa masyadong fanatic ang mga Pinoy pagdating sa racing. Kung mayroon man sigurong agad-agad na makakakilala sa kanya ay baka mga taga-Maynila ang mga iyon. Dito sa Pampanga, baka isipin lang na isa siyang dayuhan. Unless, marami rin palang motorcycle racing fanatic doon.

“Uhm, oo… Ahm, kung natatandaan mo pa `yong dati ninyong caretaker, si Hilda Pabelonia? Uhm, ako ang anak niya. Ako si Riza.”

Riza? Riza who?

Naalarma si Marc nang makita ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ng babae. Inaasahan marahil ng babae na makikilala niya ito.

“Riza? Ikaw na ba si Riza?” kunwari ay nasorpresang bulalas ni Marc. Pinili niya na magkunwaring naaalala ito dahil hindi niya matagalan ang lungkot na sumungaw sa mga mata ng babae. Kung bakit ay hindi niya alam. Napasinghap pa ito nang yakapin niya. Agad din naman niya itong binitiwan. His smile became wider as if he was really happy. “It’s so good to see you again, eh. Look at you now, dalaga ka na. Oh, meaning, sa `yo `yong scooter at backpack na nasa porch? I noticed them kaya naglakad-lakad ako.”

Tumaas ang kamay ni Marc. He wanted to caress her cheek pero baka naman mabigla si Riza kaya pinisil na lang niya ang pisngi. “Ah… hindi ka na chubby. Hindi na masarap pisilin ang pisngi mo.”

Natulala si Riza sa kanyang ginawa.

Jeez! Where did I get that? Paano kung hindi naman pala chubby si Riza noon? Mabubuking siya. Kung bakit kasi hindi niya napigilan ang kanyang sarili.

“Ah, teka. Bakit ba narito pa tayo sa dalampasigan? Tara doon sa rest house at nang makapagpalit ng damit. Doon na rin natin ituloy ang kuwentuhan. Then—” Tumigil si Marc sa pagsasalita. Paano’y para siyang hinihigop ng titig ng dalaga.

Tila wala sa sariling ngumiti si Riza habang nakatitig sa kanya. Mahina pang bumuntong-hininga. It was as if Riza was daydreaming. Gusto niyang mapahalakhak dahil doon.

“I know, I know, my accent is cute,” ani Marc na ikinalaki ng mga mata ni Riza. Napakadali kasing basahin ng nilalaman ng isip ng dalaga.

“S-sandali!” wika nito na animo ay may naalala. Nilingon ng dalaga ang kinaroroonan ng rest house. Sa tabi ng scooter ay nakaparada ang dala niyang sasakyan. Kapagkuwa’y binigyan siya ng nagdududang tingin ni Riza. Halos matawa siya. Why, she was so cute. “Parang walang alam si Nanay na may darating na bisita ngayon...”

Marc just smiled sheepishly. Ang rest house ay pag-aari na ngayon ng kanyang kamag-anak at sinadya niya na huwag ipagsabi ang kanyang pagdating.

RIZA could not help but stare at Marc for a few seconds. His lower lip was fuller than the upper. Tila kay lambot. At kinilig siya sa isipin na ang mga labing iyon ang nagbigay sa kanya ng mouth-to-mouth resuscitation.

Oh, God. Get a grip, Riza! saway niya sa sarili. Tumayo na siya. But to her horror, naging mabuway ang kanyang pagtayo. Saka lang niya na-realize na nanginginig ang kanyang mga tuhod. Marahil ay dahil sa pamimintig kanina, idagdag pa ang kanyang takot.

Naging mabilis ang reflexes ni Marc. Agad na naipulupot ng binata ang isang braso sa kanyang baywang para marahil ibalik siya sa kanyang mga paa. Iyon nga lang, nawalan ng balanse si Marc. The next thing she knew, she was lying on the fine sand. At si Marc ay halos nasa ibabaw na niya. But both of them didi not seem to mind. Paano ay nagtama ang kanilang mga mata and for a moment they were both lost in a magical trance.

their gazes locked. Just how long, she had no idea. Ang alam lang ni Riza, sabay silang nagbawi ng paningin at sabay ring nagkumahog na makalayo na para bang napaso sa isa’t isa.

“Ah…” Lumunok si Riza, hindi alam kung ano ang sasabihin. Every sense she had was throbbing with awareness… of him. No doubt, what happened today will live forever in her memory. Mabilis siyang tumayo at pinagpagan ang sarili.

“A-ah, ah. H-hindi na,” hindi magkandatutong pagtanggi ni Riza nang alukin siya ni Marc na kakargahin pabalik sa rest house. Natatakot siyang baka himatayin na siya sa kilig kapag nagpakarga pa siya sa binata. “K-kaya ko na ang sarili ko.”

“Are you sure?”

“No. Yes. N-no. I mean yes, kaya ko na ang sarili ko.” Shit! Huwag mo na kasi akong pilitin at nagpapakipot lang naman ako. Nginitian siya ni Marc. Hanggang singit na yata niya ang kilig na nararamdaman.

Sinundan ni Riza ng tingin si Marc nang maglakad palayo ang binata. Kapagkuwa’y nahagip ng kanyang mga mata ang sumbrero, medyas, wallet, at pares ng sapatos. Tila ang mga iyon ang pakay ni Marc. Sinamantala niya ang sandaling iyon para pakawalan ang kanina pa tinitimping kilig. Agad siyang tumalikod at pinakawalan ang walang tinig na tili. Yes, yes, yes! Sumuntok siya sa hangin at napasayaw pa sa sobrang saya habang nakikisabay sa pagsirko ng kanyang puso.

“Hey,” anang tinig ni Marc kasabay ng pagkalabit sa kanyang balikat.

Nanigas si Riza, napangiwi. Oh, shit! Walang duda na nakita ni Marc ang kanyang pagsayaw. Damn! Kung bakit kasi hindi niya marendahan ang kanyang sarili. Kalma ka lang kasi puso ko!

“Shall we?”

Paglingon ni Riza ay hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang nakataas na sulok ng mga labi ni Marc, tila nagpipigil ng isang maluwang na ngiti. Oh, shit, shit, nakita niya ang pagsayaw ko! Ano ba naman kasi, Riza, hinay-hinay lang sa kilig! Gusto niyang batukan ang sarili dahil ginagawa niyang katawa-tawa ang sarili sa harap ng binata.

Tinalunton na nila ang daan pabalik sa rest house. Sa mga panakaw na sulyap ni Riza ay kanyang nakita na nagpipigil pa rin ng ngiti si Marc. Muli niyang pinagalitan ang sarili. Baka iniisip ng binata na eng-eng siya kaya natatawa sa kanya.

Sa paglingon niya ay nahuli siya ni Marc.

Oh, crap! Sana ay bumuka ng lupa at lamunin siya niyon nang buo. She was so embarrassed. Kunsabagay, sino ba ang maaaring manisi sa kanya. Idol na idol kaya niya si Marc! She was so starstruck with this guy.

Tumikhim si Riza. “Ahm, M-Marc?”

Lumingon ang binata. His lips curved into the most sensual smile she had ever seen. His eyes displayed a spark of passion. He was looking at her as if… as if… Disimuladong napalunok si Riza at ginising ang sarili bago pa siya matulala na naman sa binata.

“Yes, Riza?” ani Marc na para bang ninanamnam ang dalawang pantig ng kanyang pangalan. And the way he pronounced her name sounded sweet to her ear.

“K-kung hindi ka dumating baka sa sandaling ito ay lumulutang na ang katawan ko sa lawa,” usal ni Riza. Nilalamig na siya pero hindi iyon ang dahilan ng pagtayo ng kanyang balahibo. Kinikilabutan siya. Marc saved her. “Thank you. Utang ko na sa `yo ang buhay ko.” Isang napakalaking utang-na-loob na alam niya na hinding-hindi mababayaran.

“Bakit ba kasi nag-iisa kang maligo? Even if you’re an expert swimmer, accidents still happen. Pinulikat ka, ano?” Nananaway ang boses ng binata.

Tumango si Riza. “Ngayon lang naman nangyari na pinulikat ako. A-ano… kung puwede sana, huwag mo na lang banggitin kay Inay ang tungkol sa… sa m-muntik ko nang… sa nangyari.”

Nagpakawala ng buntong-hininga si Marc. “Okay.”

Nang makarating sa rest house ay agad na kinuha ni Riza ang bungkos ng susi sa kanyang backpack. Susi iyon ng rest house. Ipinagpaalam niya iyon sa kanyang nanay dahil doon siya sa rest house nagpapalit ng damit kapag ganoong naliligo siya sa lawa.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free