
Summary
She wanted a vacation, but she met a drop dead haciendero instead who made her life a roller coaster of emotion.
Chapter 1 - Zipper
"Please Via. I badly need
this vacation now. Sobrang stressed na ako at wala na ako maisip sa mga
upcoming articles ko." Kung kinakailangan na lumuhod pa ako sa boss ko na
nagkataong childhood friend ko ay gagawin ko.
For three years ay hindi ako nag
leave o nag absent because I love my job so much. Pero lately ay parang
nabablangko at naiirita na lang ako ng wala sa oras. I feel like sleeping all
day. Tinatamad na ako bigla sa mga bagay na dati ay gustong gusto ko gawin.
One time I was browsing the
internet and found a travel blog that blew me away and gave me the urge to have
a vacation. Malaki ang chance na ma refresh ang utak ko at magka gana ulit ako.
I made a request yesterday at
ngayon lang ako pinatawag ni Via to tell me na baka hindi nya ma approve ang
request ko.
"Bee, you know how I would
want to approve your request right now, pero we need you here at least until ma
sort na natin ang lahat ng mga kailangan para sa annual company summit. We need
you now more than ever." Tinanggal ni Via ang suot na eyeglasses at tumayo
mula sa kinauupuan na swivel chair.
"But I am useless at this
state. I am so... Ugh! This frustrates me. My artistic juices aren't
flowing." I curled up my arms into my chest. I am not being demanding, I
just have my tendencies at alam ko naman na naiintindihan iyon ni Via.
Via pressed her lips together.
Tapos huminga sya ng malalim.
"Alright, I understand.
Ganito na lang ang gawin natin. I will try to pull some strings and babalitaan
kita agad." She squeezed my left arm and looked at me softly.
Ako naman ang napa buntong
hininga. "Okay, thanks Via. Alam mo naman na kung ako lang, walang kaso
sakin ang trabaho. I just feel so down these past few days at hindi ako makapag
isip ng matino."
I went back into my cubicle and
continued working. I was proof reading some articles passed by our interns at
laking ginhawa ko nang dumating na ang oras ng lunch. I went to lunch with Will
and Beks. Parepareho kaming senior na dito sa company.
"If ever na payagan ka, saan
mo ba balak pumunta?" Beks was munching on his fries. Patapos na kami at
nag uubos na lang ng oras when I opened my endeavour to them.
"I read a travel blog, and I
feel like coming to Cebu. Or Puerto Galera. It's not peak season so I don't
have to worry na makikipag siksikan ako sa dami ng tao. I just feel like
getting out of the city." I played with the straw of my red tea.
"Do you really think that
could work? Baka naman kasi kailangan mo lang magpa spa, or mag shopping."
It was Will. Nakatunghay lang sya sa aming dalawa ni Beks.
Sabay sabay kami na natanggap sa
trabaho namin when Osiris Media Corporation opened a new company, ang Places
and Faces travel and lifestyle magazine three years ago. We are all article
writers as well as editors.
Will looked like a nerd in his
wavy and messy hair plus the thick rimmed eye glasses, pero napatunayan nito
ang kasabihan na do not judge the person by it's look dahil kalog at makulit si
Will.
Si Beks naman, na ang real name
ay Samuel ay well, obviously gay. We call him Beks at okay lang naman sa kanya.
Rich kid na may gusto patunayan sa mga magulang at kapatid nya na hindi masyado
tanggap ang gender nya.
All of us have different
personalities, pero may isang bagay na parepareho kami. All of us are achievers
and competitive when it comes to our job and well, being indipendent. But we
never play dirty, and that's what makes us closer.
"It's not. There's this urge
inside me na nagsasabi na I have to go outside the city. Yung parang kailangan
ko ng hangin ng probinsya."
"Yeah, right. Sana talaga
payagan ka. Mukhang mawawala ka sa sarili kapag hindi ka pa naka alis."
Natatawa na sabi na lang ni Beks sa akin.
Napanguso ako. "Seriously. I
ferl stressed. Mas lalo akong walang magagawa nito, eh."
We went back to our cubicles and
I found a sticky note in the monitor of my computer. It was saying na puntahan
ko si Via sa office nya. This was probably written by her secretary.
Hindi ko alam pero maganda ang
pakiramdam ko. Malakas ang pakiramdam ko na makakarating na ako sa Cebu at
Puerto Galera. I am mentally, emotionally and well, financially prepared for
this trip. My parents gave me the condo where I live as a gift on my graduation
day kaya hindi na ako umuupa. Less gastos.
Dumaan muna ako sa lady's room
bago dumiretso sa office ni Via. Most of us don't call her boss. We're like a
family in here, but we respect her and everyone in the company. Isa pa, inaako
ni Via ang lahat kapag may pumapalpak na iba. That is how our company roll.
"Hey. I read the sticky note."
Bati ko sa secretary nya.
"Yep, I posted that. I'll
just inform Miss Via na nandito ka na."
"Thanks."
She told Via about me on the
phone at mabilis naman ako na pinapasok. I was all smiles when I came in at
binati rin ko ng ngiti ni Via.
"So...?" Parang bata na
tanong ko agad. My hands are at my back, excited ako since positive ang
nararamdaman ko na sasabihin nya sa akin.
Tumawa sya habang naktingala sa
akin. "Wow. You look happy already."
"Pakiramdam ko, pinayagan
ako. Please say na tama ako." Pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa harap
nya na parang nagdadasal.
"Well, technically, I would
say yes.." She trailed off habang nawala naman ang ngiti ko.
Nangunot ang noo ko.
"Technically? What does it mean?"
"Well, I was about to tell
the superiors your request when an email came. The local government of Isabela
requested na gumawa tayo ng special feature sa kanila. Like, ten pages spread
sa magazine. They have this campaign for local tourists to visit Isabela for a
provincial experience." Paliwanag nya. She was looking at me the whole
time, probably to see my reaction.
I groaned. "Seriosuly, Via?
I was asking for a vacation, not more job-"
"Hey, wait." Agad na
putol nya. Itinaas nya ang dalawang kamay nya. "Before you react, I am
gonna offer you a deal you can't refuse. Can I?" May ngiti na naman sa
labi nya.
I cleared my throat. "Okay,
fine. What is it?"
"All expense paid nila ang
one week stay ng crew na ipapadala ng company for the feature. One week, Bee.
One week na wala kang gagastusin."
"But again, that's more
job!" I hissed. Parang gusto ko maglupasay sa sahig. Napufrustrate na ako.
Parang gumuho ang Cebu at Puerto Galera sa isip ko.
"No, listen. I thought of
this idea. Imbes na isang crew ang ipadala ko, why not ikaw na lang? I can give
you one more week para sa vacation na hinihingi mo. I can't turn down this
offer. Mas lalo naman na mababawasan ang man power dito kung tatlong tao pa ang
ipapadala ko. You have a background in photography, you're an article writer
and an editor. You are a crew your self."
Napakurap kurap ako.
May point si Via. We can't turn
down this offer. I bit my lip and played with it for a while. At least parang
two weeks ako na wala sa city kahit pa one week worth of job yung kalahati
noon.
"What do you think,
Bee?" Via called me again.
Napabuga ako ng hangin.
"Fine. Kailan 'to?" Walang gana na tanong ko.
Tumawa si Bee. "According sa
napag usapan namin, I can send you there as soon as the next day. Your
choice."
Wala na akong nagawa kundi
sabihin kila Will at Beks ang pagpayag ko sa offer ni Via nang nasa kotse na
kami ni Beks. Mula sa office namin sa Mandaluyong ay ida drop namim si Will sa
Estrella dahil nandoon ang apartment nya. Sa Ortigas naman ang condo namin ni
Beks kaya honahatid nya na muna ako bago sya dumiretso.
"It's a literal business
with pleasure. And honestly, kung ako ang inofferan ni Via nyan, hindi na ako
magdadalawang isip pa. All expense paid ang one week mo, eh for sure parang
bakasyon na rin iyon." Agad na sabi ni Beks.
"Beks is right. I don't see
anything wrong with it." Sang ayon ni Will sa likod.
"Maybe I am just afraid.
After pa ng trabaho ang bakasyon ko eh sa office pa nga lang, pakiramdam ko
nasasakal ako. There is really something wrong with me."
Tumawa ang dalawa.
"Daan ka muna mental."
Pang aasar ni Will.
"Daan ka na ba namin? Hindi
pa tayo nakakalabas ng Manda." Dagdag pa ni Beks.
"Eh kung pag untugin ko kaya
kayo?" Inirapan ko sila at sabay lang silang natawa.
When I arrived home, nagpahinga
lang ako saglit at nagsimula na ako mag ayos ng gamit. At least dalawang
trolleys at isang backpack ang estimate ko na kailangan ko dalhin. Hindi naman
ako maarte pero I feel like bringing something for emergency situations.
After an hour, naayos ko na ng
mga damit na dadalhin ko. Bukas ko na aayusin mga toiletries and such dahil
papasok pa naman ako bukas. Pinilit ko matulog ng maaga thinking na eight or
more hours of sleep can make a difference at baka maging maganda ang mood ko
kinabukasan.
Pero nainis lang ako dahil
masyado akong maaaga nagising. I slept around nine pm and woke up six am while
nine am pa ang pasok ko. Nag alarm pa naman ako.
Nagbabad na lang ako sa bathtub
habang iniisip ang mga pwede mangyari sa pag i stay ko sa Isabela. And where
should I go sa one week vacation ko. I wanna enjoy Cebu or Puerto so I have to
decide kung saan na muna ako pupunta.
The day went by fast. Hindi na
muna kami umiwi nila Beks at Will dahil nag request sila na kumain kami sa
labas since maaga ang alis ko bukas. Quarter to ten am ang flight ko at one
hour lang naman ang tagal.
May susundo raw sa akin mula sa
Cauayan airport para ipakilala ako sa Governor nila. Via said na kinausap na
nila ang mga coordinators at ipinaliwanag bakit ako lang ang pinadala. Medyo
kinakabahan ako. May mga nakilala na rin naman ako na artista. Actually, I have
two celebrity friends, pero ngayon pa lang ako makakakilala ng politiko.
Pasado alas siete ako nai drop
off ni Beks sa condo ko. Tinapos ko ng mabilisan ang pag iimpake. I have the
company's equipments with me. Well, this is one of the hard part. Dahil ako rin
ang photographer, ako ang may dala lahat ng equipments.
Pero nag arrange naman si Via ng
service ko from the company para maihatid ako sa airport. One of the many
things I like about my work are things like these. Perks and well, alaga kami
ng company. Kapag work related, ayaw kaming pinaglalabas ng pera ng company as
much as possible. They wanted it covered.
Nagising ako ng pasago alas
singko. Alas sais daw dadating ang sundo ko. I have to be at the airport by
seven. Ininit ko na lang ang pizza na nasa ref at naligo. I told the driver of
my service na umakyat para matulungan ako sa mga dala ko.
Inabala ko sa pagbabasa ng mga
blogs at sa pinterest ang sarili ko habang nasa airport hanggang sa tawagin na
kami para sa flight.
Agad ko naman na nakita ang sundo
ko when I arrived at Cauayan airport. The charming middle aged lady's name is
Daisy. Naka suot sya ng puting damit na may logo ng Isabela.
She helped me with my things and
all lalo na ng makarating kami sa hotel na tutuluyan ko.
"Four days ka na naka book
dito. Yung last three days mo, sa Hacienda Esquillo ka mag i stay kasi bukod sa
kasama sya sa iko cover mo, may mas malalapit na attractions doon at mapapagod
ka pa sa byahe kung dito ka pa uuwi. Nakausap na namin si Mr. Esquillo at payag
naman sya na doon ka mag stay." Paliwanag ni Daisy habang nasa elevator na
kami paakyat sa kwarto ko.
"Okay lang. Sige. May
service ba ako sa pagpunta ko from places to places?"
"Oo naman. Naka arrange na
iyon." Jumpy pa na sabi nya. "Excited na nga kami lahat sa project na
ito. Sabi pala ni Gov. magpahinga ka muna saglit tapos tsaka na kita
ipapakilala sa kanya."
Nagpasalamat ako sa kanya.
Babalikan nya raw ako for lunch tapos didiretso na kami para makilala ko ng
personal ang Governor nila. Tumanggi rin kasi ako nang ayain ako ni Daisy na
kumain kanina dahil busog pa naman ako.
I took a nap then nag ayos ng
sarili. Tamang tama nang tawagan ako ni Daisy dahil handa na ako. Medyo
kinakabahan ako dahil may ilang media at bloggers ang darating mamaya para
kunan kami ng pictures para maibroadcast ang project.
Daisy was very accomodating. I
don't usually like talkative people pero hindi ako na bored sa byahe dahil sa
kanya. Naisip ko tuloy na mukhang meenjoy ko ang trabaho ko rito.
"Ang puti puti mo naman
hija. Nakakasilaw ka. Kanina pa ako nasisilaw lalo na ngayon na naka sleeveless
ka." Biglang sabi ni Daisy sa akin.
Tumawa lang ako. I don't know but
I don't take compliments well. Nasanay ako na normal lang ako kapag itinabi na
ako sa mga kapatid at pinsan ko, so when people in the outside world started
giving me compliments, hindi ko alam ang gagawin.
"Ang kinis kinis mo pa. Para
kang model."
"S-Salamat po." Ang
tangin kong nasabi.
Sya naman ang natawa.
"Halika na nga, para after
mo ma meet si Gov masimulan mo na i cover ang munisipyo. Nasa iyo naman ang
intenirary diba?"
Tumango ako.
We were talking while walking.
The meeting went well. Hindi
naman ako nagkalat at friendly ang mga tao kaya hindi na ako kinabahan. After
ko makuhaan ng pictures at makuha ang ilan pang details ng munisipyo ay
ihinatid na ako pabalik sa hotel. Iyon lang naman ang schedule ko for that day
at maaga pa naman kaya nag decide ako na mag ikot ikot.
I have a map with me.
Naglalakad lakad ako hawak ang
personal camera ko when I noticed someone looking at me. Hindi ko matingnan
yung lalaki pero ramdam ko na nakatingin lang sya sa akin from afar. He was
just standing there and I can feel his gaze. Kinilabutan ako.
Hindi ako nagpahalata na
nararamdaman ko ang pagtitig nya. I still stayed at my position and took some
more photos. Unti unti akong naglakad lakad kunwari pero napansin ko na
naglalakad rin sya ng kaunti.
I was already mentally counting
para sa pagtakbo sana nang marealize ko na naglalakad na sya palapit sa akin.
"Shit. Please no." Mahinang
usal ko. I was frozen, di ko alam ang gagawin.
Unti unti ko syang nilingon at
ang matangos nyang ilong at deep set of dark eyes ang unang nakita ko.
Napapikit ako bigla nang mabilis
na syang nakalapit at bumulong sa akin.
"Miss, bukas yung zipper
mo." Rinig ko na mahinang sabi nya.
