CHAPTER THREE
ILANG beses na pinuno ni Bianca ng hangin ang kanyang baga, pagkatapos ay ibinubuga iyon. Kinakabahan siya. Iyon na kasi ang sandaling maghaharap sa unang pagkakataon ang prosecution at defense panels. Hindi niya alam kung sino pa ang makakatunggali niya sa korte dahil ang alam pa lang niya ay iyong abogado mula sa DSWD. Tiyak na may ibang abogado pa sa panig ng prosecution kaya lalo siyang kinakabahan. Hindi kailanman pumasok sa isip niya na masasamahan ng mga court hearing ang bakasyon niya sa Pilipinas.
Muli siyang huminga nang malalim bago ipinasyang lumabas na ng ladies’ room. Nakasuot siya ng formal suit at mahipid ang pagkakaayos ng kanyang buhok. Nagsuot din siya ng makapal na eyeglasses para kahit paano ay maitago niyon ang kanyang mga mata.
Sa fashion industry, kabi-kabilang mga papuri ang kanyang natatanggap sa maayos na pagdadala ng mga iminomodelong damit o kung anumang produkto. Ngayon ay hindi siya sigurado kung na-achieve ba niya ang nais na lawyer look, bagaman siniguro niyang poised pa rin siya habang naglalakad.
“Santisima!” gulat na bulalas niya nang pagbukas ng pinto ng banyo ay tumambad sa kanyang paningin ang isang malapad na dibdib kung saan muntik na siyang bumangga.
“Ang guwapo ko namang multo para magulat ka nang ganyan, Bianca,” anang isang pamilyar na tinig na ikinapitlag ng kanyang puso. Bago pa niya namalayan kung ano ang nangyayari ay nakapasok na sa loob ng banyo ang pangahas na lalaki at ini-lock pa ang pinto.
“M-Montecillo! I… I mean, Attorney Montecillo, what are you doing here?” tanong ni Bianca at napaatras. Inalihan na naman siya ng kaba. Sa mabilis na pagsulyap kasi niya kay Milo ay nakita niyang naka-formal attire din ito. Pero hindi talaga iyon ang nagpapakaba sa kanya, kundi ang kaalamang kasama niya ang binata sa maliit na espasyong iyon. Presensiya pa lang ng binata ay sapat na para lalong sumikip ang comfort room.
Pero bakit ganoon? Pangalawang beses pa lang nila iyong paghaharap ni Milo pero ganoon na ang kanyang reaksiyon.
Napalunok si Bianca at hindi naiwasang palihim na sulyapan uli ang binata. Expressive talaga ang bilugan nitong mga mata na abuhin ang kulay. Ang ilong ay aakalaing perpekto sa tangos pero sa ganoong kalapit na distansiya ay makikitang bahagyang tabingi iyon. Gayunman ay tila lalo iyong nakadagdag sa kakaibang appeal ng binata. Bukod sa smiling face ni Milo ay hindi rin maaaring hindi mapansin ang cleft chin nito. It made him look so sexy, and so did his lips. Tila nakakaengganyong pagmasdan ang bawat pagkibot ng mga labi ng binata. Nahahalina rin sa amoy ni Milo ang ilong ni Bianca. Para siyang tinutukso ng suwabeng bango ng binata para ipikit niya ang mga mata at langhapin iyon. Sa trabaho niya bilang modelo, marami na siyang nakasalamuha at naamoy ng mga lalaking modelo, pero walang ganoong epekto iyon sa kanya.
“Here where? Here in court? Or here inside the ladies’ room?” anang tinig ni Milo na nagpabalik kay Bianca sa realidad. Alam kaya ng binata na parang may mga dagang naghahabulan sa loob ng kanyang dibdib kaya may mapanuksong ngiti na nakapaskil sa mga labi nito? Bakit tila may mga kumikislap na ilaw na nagsasayaw sa mga mata nito? And he was gazing at her like crazy.
“Ano’ng ginagawa mo rito sa loob ng ladies’ room? Babae ka na ba ngayon, Montecillo?” kunwari ay pagtataray ni Bianca. Kailangan niya iyong gawin para maitago ang nerbiyos na nararamdaman—nerbiyos na noon lamang niya naramdaman sa isang lalaki. Milo stood magnificently tall. Ang malapad na kaha ng katawan nito, ang kakaibang presensiya, at ang katangkaran ay sapat na para pangilagan ito ng marami. Mabuti na lang at matangkad din siya at sanay humarap sa mga tao, kung hindi ay tiyak na mai-intimidate siya sa binata. Oh, well, she was intimidated, she just knew how to hide it.
“Ako, babae? Really, naisip mo talaga `yan?” sabi ni Milo na may kakaibang ngiti sa mga labi. Humakbang na naman ito palapit sa kanya. Umatras si Bianca ngunit ilang hakbang pa lang ay bumangga na ang likod niya sa malamig na pader. Wala na siyang mapupuntahan.
“W-what are you doing?” angil niya nang makalapit sa kanya ang binata at isang dangkal na lang yata ang layo ng kanilang mga katawan. Sa sobrang lapit ay halos magkapalitan na sila ng hininga ng binata. Para siyang nakikiliti na ewan tuwing tatama ang hininga nito sa kanyang mukha.
Jeez, Bianca! Napagtuunan mo pa talaga ng pansin kung gaano kabango ang hininga ni Mr. DJ-slash-super hunk Attorney-slash-Mr. Jaw-dropping-smile?
“What am I doing? I haven’t done anything yet, honey. Gagawin pa lang. But what will I do? Let’s see…” mahinang wika ni Milo bago inalis ang salamin ni Bianca sa mga mata at inilapag sa sink. His eyes never left hers.
Bakit hindi siya makagalaw para magprotesta? Bakit hindi niya magamit sa binata ang mga kaalaman niya sa self defense na ilang beses nang nagamit kapag may nambabastos sa kanya sa mga fashion show? She just stood there, anticipating his next move.
Anticipating? Naitanong ni Bianca sa sarili kung hinihintay ba talaga niya kung ano ang gagawin ni Milo. Bakit pakiramdam niya ay may kung anong excitement siyang nararamdaman sa larong iyon?
“You have the softest and fairest skin, did you know that?” ani Milo nang marahang haplusin ang pisngi niya.
Gustong gumalaw at magprotesta ni Bianca pero hindi siya makakilos. Pakiramdam niya ay nasa ilalim siya ng mahiwagang kapangyarihan ng binata.
Nanayo ang mga balahibo niya nang dumako ang daliri nito sa mga labi niya.
“So soft,” he said, almost in a whisper.
Kakaiba ang sensasyong idinulot niyon kay Bianca at katulad ng mga naunang pagdadaiti ng kanilang mga balat ay naramdaman na naman niya ang munting init na iyon.
No, Bianca! You’re letting your guard down! Get a grip or else you’ll end up crying!
Noon siya parang nagising dahil sa paalalang iyon ng isang bahagi ng kanyang isip. Inipon niya ang kanyang lakas para makawala mula kay Milo at nagtagumpay naman siyang gawin iyon. Pagkatapos ay isang ubod-lakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi ng binata. “Bastos!”
“Sorry, I just couldn’t help it.”
“I’ll sue you!”
“On what grounds, honey?” tanong ni Milo na tila hindi man lang natinag sa pagsampal niya. Sa lakas ng sampal ay bumakas ang palad niya sa pisngi ng binata. “Harassment? Sexual harassment?” nanunudyo nitong dagdag, saka muling lumapit sa kanya.
Agad niyang iniharang ang kanyang kamay. “Diyan ka lang!”
“Jeez, Bianca, relax. I won’t bite you, okay? Well, I might someday…” sabi nito at kinindatan siya.
Nagrigodon na naman ang dibdib niya. Kinuha ni Milo ang eyeglasses niya at isinuot uli iyon sa kanya.
“And I will bite you back!”
Humalakhak si Milo, tila aliw na aliw.
Nag-init naman ang mga pisngi niya nang matanto ang maaaring ibang kahulugan ng “bite.” Saan ba namasyal ang kukote niya? Mukhang naligaw iyon at hindi mahanap ang daan pabalik dahil kanina pa niya iyon hindi mapakinabangan.
“I like that. I will bite you and you will bite me back. Sige, magkagatan na lang tayo. I could live like that. In fact, why don’t we start doing it now? What do you think?”
“Milo!” naeeskandalong bulalas ni Bianca. Hindi niya alam kung bakit nasasagad ang kanyang pasensiya sa lalaking ito. Hindi ba at kaya nga siya gusto ng kanyang mga nakatrabaho ay dahil sa mahaba niyang pasensiya? Hindi siya mainipin, hindi bugnutin, at hindi madaling mainis. Sa pagme-make up pa lang kasi ay mahabang pasensiya na ang kailangan ng isang modelo. Pero pagdating kay Milo ay talagang nasasagad siya.
Humahalakhak na itinaas ni Milo ang mga kamay bilang pagsuko. “Okay, titigil na ako. Mahirap na, baka lalo akong ma-bad shot sa `yo. Funny, ngayon lang ako naging ganito kasaya. And it’s all because of you, Bianca.” Ilang saglit na tinitigan pa siya nito nang malagkit, saka ngumiti. “So, paano, Attorney Cusap, I’ll see you in court? I believe we’ll be facing each other inside the courtroom.”
“W-what do you mean? N-no… Don’t tell me, abogado ka ng prosecution?” Nanlaki ang mga mata niya nang tumango si Milo bilang kumpirmasyon sa kanyang hinala.
“You can’t imagine how surprised I was when I learned that you were also a lawyer. I mean, wow! You’re a model and a lawyer at the same time.”
Kababakasan ng paghanga ang mga mata ng binata, pero walang oras si Bianca para i-appreciate iyon. Si Milo ang makakaharap niya sa korte! Sapat na iyon para manginig ang kanyang mga tuhod.
Mahabaging Diyos! Ano po ba `tong napasok ko? One hundred and one percent sure na pakakainin ako ng alikabok ng lalaking `to! Kung puwede nga lang na tumakbo na siya palayo at agad-agad na sumakay sa eroplano pabalik sa Paris. Sumasakit na nga ang ulo niya sa pag-iisip ng paraan kung paano palalabasin na anak talaga ni Yaya ang mga bata sa kabila ng DNA test results. At ngayon ay madadagdagan pa ng isa. Haharapin niya si Milo sa korte bilang private prosecutor, bukod pa sa abogado ng gobyerno o ng DSWD.
“Don’t worry. I know it’s your first time in court. Trust me, I’ll be gentle.”
Taas-noong tiningnan ni Bianca si Milo. “Kung makapagsalita ka, akala mo sigurado ka nang mananalo sa kaso. Attorney Montecillo, this may not be my cup of tea but rest assured that I will do my best to win this case!”
“Against me?” nangingiting tanong nito na tila aliw na aliw sa panggigigil niya. “Against the pieces of evidence?”
“Yes, against you! Tatalunin kita!”
Talaga lang, Bianca? Paano mo gagawin iyon, magma-magic ka? Kailangan mo ng milagro para manalo sa kaso, buska ng isang bahagi ng isip niya.
“Okay, let’s make a deal, Bianca. Win this case and I will be your slave for a month. I will do anything you want and definitely, your wish will be my command. Aalilain ng mananalo ang matatalo. Deal?”
“Deal!” agad na pagpayag niya. Kapag nanalo lang daw naman siya. Wala namang sinabi si Milo na aalilain din siya nito kapag natalo siya. Walang mawawala sa kanya bagkus ay may makukuha pa siya. She would have Atty. Montecillo for a slave. What a rare deal!
“We’ve got a deal then, Bianca. You’d better prepare yourself, darling. Magiging sunod-sunuran ka sa akin for a month. You will do whatever I please. And I mean everything that pleases me,” puno na kumpiyansang wika ni Milo.
“A-aalilain mo ako kapag natalo ako? Hindi ba ikaw lang ang kondisyon dito?”
Ngumiti nang nakaloloko si Milo. “Honey, aalilain nga ng mananalo ang matatalo, `di ba?”
“You can’t possibly do that! Hindi mo `yan nilinaw!” Oh, hell! Kung pakaiisiping mabuti ni Bianca, iyon nga ang ibig sabihin ng sinabi ni Milo. Kasama pa rin siya sa kondisyones.
“Matalino kang tao, Bianca, hindi ko kailangang ipaliwanag ang bawat salita ko. Kaya dapat mag-isip ka muna nang mabuti bago ka makipag-deal,” abot-tainga ang ngiting wika ni Milo.
“KUMUSTA ang kaso, Bianca?” agad na tanong ng mga kaibigan niyang sina Krystyn at Belinda. Kadarating lang ng mga ito.
Inalis ni Bianca ang suot na salamin sa mga mata at tinaasan ng isang kilay ang dalawang bruha na inokupa ang upuang nasa harap niya. “Sigurado ba kayo na ang kaso ang kinukumusta ninyo at hindi si Milo? Huwag kayong magde-deny at kayo ang pagbabayarin ko ng bill natin mamaya.” Alam niyang mas interesado ang mga ito na makarinig ng balita tungkol kay Milo kaysa sa kaso. Hinding-hindi rin niya malilimutan na muntik na siyang mabingi sa lakas ng tili ng mga kaibigan ng malamang si Milo ang isa mga makakaharap niya sa korte.
“Bakit, kailan ba kami nag-deny?” natatawang sagot ni Krystyn. “Kapag kinumusta namin ang kaso, automatic na kasama na ro’n si Attorney.”
Napasimangot na lang si Bianca.
“Dyaran! Mahal ang bayad ko rito, pero sulit na sulit naman!” tumitiling wika ni Belinda bago ipinakita sa kanila ni Krystyn ang isang magazine.
Kulang na lang ay maging hugis-puso ang mga mata ni Krystyn. “Saan ka nakakuha ng kopya niyan? Sold-out na `yan at marami ang nagre-request na i-reprint `yan.”
“At isa ka sa mga nagre-request na `yon!” natatawang sabi ni Belinda. “Nakita ko `to sa isang tauhan ko. Aba at ang gaga, tinaga ba naman ako sa presyo! Pero okay lang, walang problema. Matagal ko nang pinapangarap na magkaro’n ng kopya nito.”
Naitirik ni Bianca ang kanyang mga mata. Kung mag-usap ang mga kaibigan, animo hindi siya kasama ng mga ito. Talagang dead-ma ang beauty niya. Kahit siguro bigla siyang maglaho ay hindi mapapansin ng mga kaibigan.
“Ano ba `yan?” hindi na nakatiis niyang tanong.
Sabay pang bumaling sa kanya sina Belinda at Krystyn. “Ay, nandiyan ka pala, Bianca? Kanina ka pa ba diyan?” wika ni Krystyn, pagkatapos ay humalakhak na halos lumabas na ang mga ugat sa leeg.
Sa inis ay dinampot ni Bianca ang kanyang bag at humanda na para mag-walk out. Ngunit agad siyang nahawakan ni Belinda at muling pinaupo.
“Umiiral na naman ang pagiging balat-sibuyas mo. Huwag ka nang magtampo, babahaginan ka namin ng grasya,” sabi ni Belinda.
“Hindi ako interesado sa kung ano man ang nilalaman ng magazine na `yan,” nanunulis ang ngusong wika ni Bianca. Minsan talaga ay kayang-kaya siyang pikunin at pagtulungan ng mga kaibigan. Kunsabagay, nagsimula lang naman iyon dahil kay Milo. Maging siya ay nagtataka sa nararamdaman sa abogado.
“`Sus! Baka oras na makita mo kung sino ang naririto sa magazine, bigla mong bawiin ang sinabi mo.”
“Try me,” hamon niya.
Nagkatinginan muna ang dalawa bago inilapag ni Belinda ang magazine sa mesa. “This is the Inside magazine. Ang magazine na `to lang ang nagkaro’n ng pagkakataon para ma-interview si Milo at ang anim pa niyang kaibigan. Isang pribilehiyo na once in a blue moon lang mangyayari. They even did a photo shoot and trailed the men for a day to get a glimpse of how they went about their day.”
“Patingin na nga ng laman niyan, bilis!” tila hindi makapaghintay na sabad ni Krystyn. Agad namang binuklat ni Belinda ang magazine at bumulaga sa mga mata nila ang full body shot ni Milo noong teenager pa lamang. His eyes were full of life. At kitang-kita na nag-uumapaw na ang charm ng binata sa ganoong edad.
“Payag na payag akong maging cradle snatcher sa larawang `to ni Milo,” malanding pahayag ni Krystyn.
Inilipat ni Belinda ang pahina. Mga larawan pa rin iyon ni Milo habang nagkakaedad. Ang bawat larawan ay may kuwentong kaakibat sa ibaba niyon. Kung tagahanga lamang si Bianca ni Milo, masasabi niyang collectible item nga ang magazine na iyon. Sa pamamagitan kasi niyon ay parang nasusundan mo na rin ang buhay ng binata mula pagkabata hanggang sa paglaki.
Napansin ni Bianca na habang lumalaki si Milo ay tila nag-iiba rin ang mensaheng hatid ng ngiti nito. When he was younger, his smile was full of innocence. And then it became a friendly smile, then a charming one, and then it acquired a hint of naughtiness, until it became an irresistible smile. Irresistible, dahil mahihirapan kang bale-walain at hindi pansinin ang ngiting iyon. It was very sensual.
“Nakapagtataka kung bakit walang girlfriend si Milo,” ani ni Belinda kapagkuwan.
“At naniwala naman kayo na walang naging girlfriend `yan? He’s a playboy, for Pete’s sake!” Hindi naiwasang mag-react ni Bianca. Kung akitin nga siya ng ngiti ni Milo ay ganoon na lang. Mabuti na nga lang at hindi na nasundan pa ang encounter nila ng binata pagkatapos ng nangyari sa loob ng ladies’ room. Ginawa niya ang lahat para maiwasan na mapagsolo sila. At tumigil naman ang binata. Marahil ay na-realize din ni Milo na wala itong mahihita na ano man sa kanya. Na hindi siya katulad ng ibang babae na sobrang malulugod sa atensiyon na ibinibigay nito.
Iyon nga lang, hindi niya malaman kung matutuwa ba o ano na tinigilan na siya ni Milo. Nakaligtas siya sa bagsik ng karisma ng binata, pero hindi niya maintindihan kung bakit parang nanghihinayang siya na wala palang patutunguhan ang pangungulit nito sa kanya. Pakiramdam tuloy niya ay ang bitter niya. Ayaw niyang ma-involve kay Milo pero tila gusto niyang maghimagsik na hindi na siya kinukulit o nilalapitan man lang ng binata. Nagkikita na lamang sila sa loob ng korte. At dahil professional sa loob ng korte si Milo ay hindi man lang niya ito nakitang ngumiti sa kanya, bagaman paminsan-minsan ay nahuhuli niyang nakatingin sa kanya. Pero maliban doon ay wala na.
“Of course not! Milo is not a playboy,” agad na kontra ni Belinda. “Yes, lots of girls are chasing after him, but he only just befriends them. Katulad ko, I smiled at him once at sinuklian niya ang ngiting iyon kahit na hindi naman niya ako kilala.”
“Kaya nga maraming supporters si Milo, eh. Maraming fan’s club na handang pumatay at magpakamatay para sa binata. My friend, don’t believe all the rumors you hear about him. Most of them are just lies,” dagdag ni Krystyn.
Napansin ni Bianca na pinagtutulungan na naman siya ng dalawa kaya pinandilatan niya ang mga ito. “What are you? Abogado ba kayo ni Milo? Gano’n na lang kung ipagtanggol n’yo `yong tao. Magkano ang ibinayad niya sa inyo, ha?”
“Isang makalaglag panty na ngiti,” sabay pang sagot ng dalawa at kinindatan pa siya. Nagkatawanan pa dahil pareho pala ang tinatakbo ng isip ng mga ito.
“My God! He’s got really sensual lips! I wonder what it would feel like to be kissed by him,” wika ni Krystyn, kinagat pa ang ibabang labi sa panggigigil.
“Ako, I would gladly surrender my body, my soul—”
“Tumigil na nga kayo,” putol ni Bianca sa hirit sana ni Belinda. “Nakakahiya kayo. Hindi ako makapaniwalang pinagnanasaan n’yo pala ang lalaking `yon.” Parang ang sarap sabunutan ng dalawang `to.
Tumawa sina Belinda at Krystyn, kapagkuwan ay sumeryoso rin agad.
“Teka, mabalik tayo sa kaso, ano na ang development?” tanong ni Krystyn.
Bumuntong-hininga si Bianca. “Malinaw naman na matatalo ako sa kasong `to.” Iyon ang katotohanang kasinliwanag ng sikat ng araw. Kayang-kayang ipanalo ni Milo ang kasong iyon sa isang pitik lang ng daliri. Nagtataka nga siya kung bakit hinawakan pa iyon ni Milo gayong kilala itong mahihirap na kaso ang hinahawakan. Okay lamang sa kanya na matalo, pero nababagabag siya para kay Yaya Rosa.
“Iyan nga rin ang hula namin. Sorry, Bianca, ha? Pero ang kasong `yon ang tipong kayang ipanalo ni Milo kahit tulog siya. Do you get my point?” ani Belinda.
Tumango siya. “Ang ipinagtataka ko lang ay parang panay ang gawa ni Milo ng mga delaying tactic. Matagal na sanang natapos ang kaso, pero parang gusto pa niya akong paglaruan. Gusto pa niyang iparamdam sa akin na nagkamali ako ng desisyon na kalabanin siya,” himutok niya.
Nasaksihan na mismo ni Bianca kung paano kumilos sa loob ng korte si Milo noong preliminary hearing pa lang. Seryoso ang binata kapag nasa loob ng korte. He looked so serious, as if he was carrying the world on his shoulders. Noon din lang niya napagtanto na nag-uumapaw pala ang awtoridad sa buo nitong pagkatao. Kabaligtaran iyon ng napaka-charming na personalidad ni Milo sa labas ng korte. He was intimidating and always businesslike side inside the courtroom. Well, not until he started doing what seemed to be an endless series of delaying tactics. Palagi itong gumagawa ng mga dahilan para ma-postpone ang hearing at i-reschedule iyon. Pagdating ng susunod na hearing ay gagawa na naman ng dahilan ang binata. Sa sobrang galing ni Milo ay nakakalusot ang mga excuse na iyon. Mabuti na lamang at nagawan ng paraan ni Bianca na ma-extend ang kanyang bakasyon.