Nakahilig ako sa railings ng aming palapag. Nakatunghay ako sa baba. Pero parang ang layo ng nasa isip ko. Nakatunghay sa baba pero hindi ko iyon maklaro ng mabuti.
Hindi ko nga rin alam. Gusto kong mag isip ,pero wala akong maisip. Parang gusto ko lang ang magpaka senti.
Tangina.. Nababaliw na ako..
Lahat ng iniisip ko ay nawala ng mamataan ko si Clinton sa ibaba. He's with his nerd classmate.
Close siguro sila? Halos dalawang buwan na rin silang nagsasama e.
Baka hindi lang close.Baka girlfriend niya. Ngayon lang siya nagkaibigan ng isang nerd.
Big round glasses,with braces, at nakalugay ang makapal at mahaba niyang buhok.
Kung sa iba ay suplado siya pero sa nerd na ito hindi?
Ayaw sa virgin pero mahilig sa nerd?
Nang matapos ang klase ay nag text si Natalia na magkita kami.Ilang araw na rin na hindi kami masyadong magkasama.
"Kamusta?" I asked her. Same usual ,she glanced at me coldly.
Natalia's cold presence will make you intimidate.She's beautiful kaya mapagkakamalan mo na maldita dahil tipid lang magsalita at sumagot.
She's a genius. Bagay na bagay sila ni Sebe.
"I'm still waiting.."
Ramdam ko ang sakit niya halos mag lilimang buwan na din siyang ganito. Ganyan niya ba kamahal si Sebe?
Kung ako sa sitwasyon niya hindi ko alam ang gagawin.
"Mag bar tayo tonight! My treat!" Masiglang sabi ko sa kanya.
But she rolled her eyes.
"What?" I mocked.
"You think makakatulong?"
"Ofcourse! Magsasaya lang tayo Nat! Walang landi landi."
Kinagabihan ay sa unit ko na sila tumambay para diretso na kami mamaya.
"Naku wala ka nang chance Kylie." Aniya sa akin ni Jen. Kakatapos lang namin ang kumain at naghahanda ng susuotin. Kaya parang binagyo ang kwarto ko.
"Chance kanino?" Tinignan ko muna siya bago naghanap ulit ng isusuot.
Maraming nagkalat na dress sa sahig ang heels at ibang stilletos ay nasa tokador ko na.
"Kay Clinton! Girlfriend niya yata yung si Berna eh! Yung nerd! Ang sweet nila." Asar niya sa akin.
I rolled my eyes.
"Pake ko ‘don? Ikaw siguro may gusto doon.."
" Excuse me. Crush ko siya,oo! Pero hanggang doon lang. May Ronald na ako." Sabi niya.
Who cares? Hindi na ako nagsalita para hindi na humaba pa ang walang kwentang topic niya. Kung si Clinton lang naman ang topic ay talagang walang kwenta!
Tinignan ko ang paligid ng kwarto ko.
Gosh! Magbabar lang kami ! Kahit mag tshirt at short lang ako doon ay okay na. Si Jen talaga iba!
Si Natalia ay nakahiga lamang sa kama. As usual, katext ang boyfriend niya.
Pinili ko ang kulay gray na may glitters na mini dress. Mini, means-konting tuwad labas pwet! Ganon! Pinaresan ko iyon ng silver heels.
Si Jen naman ay nakakulay red na mini dress din.Kaya parang mukha siyang GRO pero ang ganda niya.
Napatingin din ako kay Nat. Nanlambot agad ako.Mala anghel talaga ang mukha niya. Naka kulay baby pink na dress siya na sakto ang haba. Medyo labas ang likod.
Kwento lang ng kwento si Jen habang nagmamaneho ako papuntang Alcobar.
Ang paborito kong bar. Dinadayo talaga iyon ng mga mayayaman at sikat na artista. Pagkalabas namin ay agad ako nakaramdam ng sabik.
"Halina kayo!" Hinila ko sila papasok.
Tatawa tawa ako ng makapasok .Agad kaming naghanap ng pwesto. Pero nasira agad ang ngiti ko ng makita ko ang grupo nila Clinton,.Halo silang lalaki at may babae.
Nandoon si Damon. Walang katabi.?andoon si Radleigh. Wala ring katabi. Pero ang putanginang Clinton meron.
Mas dumoble ang init ng ulo ko ng makita ang katabi niya .. si Berna?
Seriously?
Naka t shirt ito at naka shorts. She seems uninvited dahil hindi nagbagay dito ang suot niya. Mukhang pambahay lang talaga.
Kailangan pa kasi naming dumaan doon para makapunta sa pwesto na napili namin.
Malapit lang ang pwesto namin sa kanila.
Nang dumaan kami doon ay sumipol si Radleigh. Iyong isang playboy rin na pinsan ni Clinton. Sa apat parang si Rad and Clinton lang iyong nakita at kilala kong playboy e.
Hinithit ni Radleigh ang sigarilyo niya at sinulyapan si Clinton . Kaya napabaling rin ako doon.
Nakatingin pala ito sa aking dibdib.
Alam kong malaki ang hinaharap ko. Pero hindi ko alam na mahilig pala siya sa malaking hinaharap? Noong nakaraan ay nakita ko siya sa basement na naka tingin sa dibdib ko. Ngayon ay nakatingin pa din.
Damn you.Kailangan mo pa bang akitin? Playboy pero takot sa virgin? Di ba dapat ang virgin matakot sa playboy?
Tangina niya talaga..
"Grabe! Nandon sila Kylie!" Tili agad sa akin ni Jen nang makaupo na kami.
"And so?" I mocked.
Si Nat na ang umorder ng iinumin namin.Habang ako ay lumilinga linga sa paligid.Naiinis ako sa Berna na yan! Ang landi! Dinala pa talaga siya dito ni Clinton?
Nakakainis!
Kung ano man ang nangyari na kahihiyan sa loob ng condo niya noon ay wala na akong pake. Siya nga ay walang pake sa akin eh!
Tinungga ko ang shotglass ng tequilla. Uminit ang aking lalamunan kaya kumagat ako sa lemon.
"Sayaw tayo?"Imbita ni Jen sa amin.
Umiling ako.
"Mamaya na kapag bangag na ako.."
Humalakhak naman siya.
"Kayo ang bahala".
Nauna na si Jen sa dancefloor nang lumalim na ang gabi. Ako naman ay nagpapakalasing sa mesa namin.
Tutungga na sana ako sa shotglass ng hawakan ni Natalia ang kamay ko.
"Hey, huwag kang magpakalasing.Driver ka namin. "
"Hindi pa ako lasing.." Medyo nabulol pa ako ng konti.
"CR ka muna? Kailangan mong maghilamos." Utos niya sa akin at kumain ng sisig.
Nasa harap ako ngayon sa salamin sa sink.Naghilamos ako at nagpunas ng tissue.Agad namang lumutang ang pag iisip ko.
May saysay pa ba ang buhay ko? Pag gising sa umaga,pasok sa skwela , at tapos uuwi naman sa hapon, kinabukasan ganon padin ang gagawin.
Inayos ko ang sarili at lumabas na. Uuwi na ako. Pasado alas dose naman e.Pagkalabas ko ang siyang pagpasok rin ng babaeng kinaiinisan ko.
Napataas agad ang kilay ko sa kanya.Yumuko ito.
" Excuse me po." Sabi niya sakin na ikinainis ko.Anong po?
Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko para hindi siya makadaan.
"Po? I'm only nineteen. Excuse me? Baka ikaw ang dapat kong i-opo dahil ang alam ko ay twenty two kana. Mukha kapang manang."
Hindi kona napigilan sarili kong magsalita ng masama.
"S-Sorry, p-padaan." Come on ,bitch!
"Puwede ba!" Tinulak ko ng konti ang balikat niya.
"Dont play trick here. Alam naman natin na malandi ka! Nilalandi mo si Clinton diba?".
Hindi ko alam kong bakit naiinis ako sa isang ito. Parang nag mumukha kasing ako pa ang maldita? If I know ,may pagka landi rin ang isang ito!
Nagulat ako ng humikbi siya sa harap ko. Ha! Agad agad umiyak?
"Hindi ko a-alam ang---"
"Dont play innocent---"..
"Anong nangyari?" Isang baritonong boses ang nagpatigil sa akin.
"C-Clinton." Si Berna at inayos pa ang kanyang may gradong eyes glass.
Suminghap nalang ako at umiling.Tiningnan ako ni Clinton ng masama.
Napalunok ako at tinignan siya ng masama.
"What?"
Masakit sa akin na makita ang pag aalala niya sa babaeng ito. Iyong makita ang paghawak niya sa baywang nito na halos yakap na..
"You hurt her.." Madiin na sabi nito.
Hurt ,talaga?
"Bakit? May sugat ba siya? Kung sinaktan ko siya e' di sana marami na siyang sugat!"
Kung sinaktan ko siya eh di sana hospital na siya ngayon!
"But still..."
"Still what? Nag papauto kanaman sa malandi---"
"Dont call her that!" Sigaw niya sakin na halos mapapikit ako..
Bumagsak ang luha ko.Fuck.
Kita ko ang paglambot ng mukha niya ng makita ang luha ko.
"I-I'm sorry," Tumalikod ako at umalis.