HinovelDownload the book in the application

Chapter 7 7

Zion Venture.

"Oh my god! Napatay ba natin siya?!" Tulala akong nakatingin sa nakahigang si Innocent na punong puno ng dugo ang paligid ng labi.

Bumilis ang tibok ng puso ko at natunaw lahat ng galit ko. Patakbong lumapit ako sa kanya.

"Shit! Innocent?! Innocent?! Damn!" Binuhat ko ito at tinakbo ang parking lot upang maisakay siya.

Dali dali akong nag drive s a pinakamalapit na ospital.

Nanginginig ang kamay ko habang pinagmamasdan ko ang babaeng bumihag ng puso ko, na siya ring nag wasak nito.

Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. And it hits me. I still care and I'm still into her.

Nakarating kami sa ospital at binuhat ko ito, pumasok kami at agad na sinalubong ng mga nurse.

"Kami na po ang bahala sir!" Alanganing tumango ako at napasapo nalang sa muka.

Damn it! Anong ginawa ko? Ilang oras pa akong nag hintay ng may biglang sumapak sa akin.

"Putang ina ka! Anong ginawa mo kay Innocent?!" Kinuwelyuhan niya ako. Sinalubong ko ang tingin niya at bumalik lahat ng galit na nararamdaman ko.

Tinulak ko ito at sinapak rin.

"Shut up asshole! Mag pasalamat ka nalang dahil dinala ko pa yung puta mo dito!" Hindi ko na alam ang sinasabi ko. Nang makita ko ulit ang muka nitong gagong to. Siya ang lalakeng pinili niya kesa sa akin.

Si Ivan.

"Gago! Hindi mo alam ang sinasabi mo! Wala kang alam sa kalagayan niya! Kahit kailan hindi ka talaga makakabuti sa kanya eh! Kaya ka iniiwan kasi wala kang kwenta!" Napa igting bagang ako sa sinabi niya.

Pinigilan ko ang sarili kong sapakin siya at tumalikod nalang. Umalis ako sa lugar na iyon ng may matinding galit na nararamdaman.

Damn him! Mag sama sila!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free