HinovelDownload the book in the application

Chapter 7: Zeus

Ngayon na ang araw ng pag alis ni Zane hindi naman sumama si jin na ihatid ito sa Airport.

Nasa isip nito na ano na ang gagawin nya sa loob ng isang linggo sa mansyon ano yun mag lilinis lang sya mag hapon mag lalaba ganon?Nakaka bored naman yun. Sa buong araw nakatambay lang sa loob ng kaniyang silid si Jin lalabas lang sya kung kinakailangan.

*Ding*Dong*Ding*Dong*

Napabalikwas ng bangon si Jin at naglakad na para pag buksan ng gate ang kung sino man iyon.

Bumungad sa kaniyang harapan ang isang napaka gwapong nilalang hindi niya ito kilala meroon mang pumupunta sa bahay ni Zane halos lahat iyon ay tanda niya ang mga mukha hindi katulad ng isang ito ngayon lang nya ito nakita. Napakakisig ng katawan nito at sobrang gwapo. Pero mas gwapo si Zane Hihihi! Talandi!

"Sino po sila?"

"Nandyan ba si Zane?"

"Wala sya dito kakaalis lang nya papuntang US para sa bagong branch ng REAL."

Ano naman kaya ang kailangan ng lalaking ito kay Zane? Mag ka ano ano sila? Magkamag anak kaya sila?Sabagay pareho silang gwapo.

Binigyang daan ni Jin ang binata para makapasok.

"Pasok ka muna."

"Salamat.."

Pumasok na sila sa loob ng bahay dumiretso si Jin sa kusina para ipag timpla ito ng juice. Nakita niya ang binata na nakaupo sa sofa. Nilapag niya sa coffee table ang juice sa harap ng binata bago umupo.

"Mag juice ka muna."

"Salamat" Tumikhim ang binata bago ito nag salita muli.

"Ako nga pala si Reign Zeus De Flores cousin nya nandito lang ako sana para ihanap niya ako ng babae." Tumaas ang kilay ng dalaga sa narinig kay Zeus.

Babae?Ano ang gagawin nya sa babae?Bakit kailangan pang si Zane ang mag hanap?

Natawa namn ang binata sa inasta ng dalaga.

"Mali ang iniisip mo naghahanap ako ng papalit na babae para sa Commercial na gagawin ko umalis kasi ang partner ko sa Commercial papuntang Paris"

Aaah kung ganon bakit si Zane ang kailangang maghanap? Para naman nabasa nito ang nasa isip.

"Haha! Maraming babae si Zane,ultimate Chick Magnet yon at lahat ng babae na iyon magaganda, sexy, malaki ang hinaha---"

"Ooopps! babae ako at hindi maganda yang pag nanasa mo"

Pagpuputol niya sa sinasabi ng binata. Natawa naman ang binata kay Jin.

"I Like You nakakatawa ka sigurado akong hindi na bobored si insan dito sa napaka boring na bahay na sobrang laki..."

Nag kakamali sya hindi ko nga alam kung masaya ba ang lalaki iyon na may kasama sya sa bahay na ito mag papagawa nalang kasi ng bahay yung napakalaki pa pwede namang mag condo nalang sya since mag-isa lang naman siya.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free