HinovelDownload the book in the application

Greek 1: The Alpha's Bride

creamyshie
50.0K · Completed
3.0K
Views
52
Chapters
9
Ratings

Summary

He's not human like her. He doesn't belong in her own world. They have different characteristic. She's human, he's not? ...

HistoryABOAlphaPossessive

Simula

Nagmulat ako nang mga mata at natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa isang kwarto na hindi ko alam kung saan at kung sino ang may-ari.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto at puro kulay pula at itim lamang ang aking makikita.

Ano 'to? Nasaan ako? Ang natatandaan ko lang naman ay ang pagkalasing ko sa isang bar dahil sa depresyon sa aking trabaho. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito!

Tumayo ako at pinagmasdan ang sarili ko sa isang mahabang salamin na mas mataas pa yata sa akin. Nakasuot ako ng puting bestida at hindi ko rin alam kung paano naging kulay pula ang mga buhok ko. Sa pagkakaalam ko ay itim ang buhok ko dahil sa inaalagaan ko ito at ayokong malagyan ng kung anong kemikal lamang.

Nakakita ako nang pinto at agad ko iyong binuksan. Tumambad sa akin ang napaka-laking pasilyo at tanging repleksyon ko lamang sa salamin ang aking nakikita.

Wala akong suot na sapin sa paa at tanging medyas na kulay pula lamang ang suot ko na hanggang tuhod ko ang haba.

Nasaan ba ako? Bakit ganito ang mga suot ko? Ang weird!

Bumaba ako sa napaka-habang hagdan at hindi ko mawari kung may hangganan pa. Pero sa tingin ko ay meron naman dahil narating ko ang dulo.

Kusina ang nadatnan ko sa ibaba at isang lalaking nakatalikod sa akin. Base sa likod niya ay mapagkakamalan lang siyang bouncer sa bar dahil sa laki nang katawan niya. Masculine.

" K-kuya... "

Lumingon siya sa akin at biglang ngumiti kaya nakita ko ang mga puting ngipin niya. Ano kayang gamit niyang toothpaste?

Wow! Pati mukha ang gwapo! Shit bes! Busog na ako. Ang mala-chinito niyang mukha na bumagay sa dalawang biloy niya sa magkabilang pisngi. Errrr.

Lumapit siya sa akin at dinikit niya ang mukha niya sa leeg ko kaya napa-kislot ako. Shit! Nakakakiliti!

Tinignan niya ako sa mga mata ko at bumulong nang mga salitang magpapabago sa buhay ko, "You're only mine! Whatever it takes, you're still mine!"

_______

All rights reserved.

♥ⓒⓡⓔⓐⓜⓨⓢⓗⓘⓔ♥

Start Reading
Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free